The name's MARK.
I was born on March 29, 1995 and is 16 years old but looks older.
I post:
~RANTS
~THOUGHTS
~MY EXPERIENCES
~ANYTHING I WANT TO
Please don't be shy to approach me or talk to me, I don't bite. I may look snobbish, but I'm not. I just don't know what to say. It's not really a skill of mine to initiate conversations to someone I want to befriend.
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
Noong isang gabi, habang nagdarasal ako kay God bago matulog, humingi ako ng sign na kapag nangyari, siya na yung mamahalin ko at mamahalin ako. Oagkagising ko parang normal lang ang lahat, nakalimutan ko na nga yung paghingi ko ng sign kay God.
Algeb time noon, may dala siyang Oreos. Hawak ko yung cookies at niloloko pa siya, kunwari ay inaalok ko yung iba at hindi siya binibigyan kahit kanya naman talaga yun.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, at bumalik sa utak ko yung paghingi ko ng sign kay God at ang paghawak niya sa kamay ko. Naaalala ko pa, ang init ng kamay niya at kahit medyo basa dahil sa laging pawisan ang kamay niya, alam kong hindi ako magsasawa hawakan yun, kung pwede lang.
Hanggang ngayon di mawala sa isip ko yun. Nagkataon lang ba na yung hiningi kong sign ay siya pa ang gumawa? Bakit siya pa? Lalo tuloy akong umaasa kahit na alam kong imposible mangyari ang mahalin niya rin ako.
Siya na mismo nagsabi. Mula sa isang kaibigan, sinabi niya mismo na, “Wag siyang aasa na may mangyayaring pang mas higit pa dun.”